• 16th October
    2014
  • 16

CPA!!!

image

After what seemed like years of waiting, eto na…. CPA NA AKO!!!! OMG NAKAKAIYAK PA RIN!!! Hahaha. Kaninang umaga lumabas yung results. Actually, nabasa ko na sa isang comment kahapon na kagabi daw lalabas pero apparently hindi pa kasi natulog na ako ng 1AM pero wala pa. Hahaha. 

Mga 5AM kanina nung nagising kami dahil pumasok si Mommy sa kwarto, hawak niya yung iPad at nanginginig siya. HAHAHAHA! As in!!! Kabadong-kabado siya tapos ginising niya kami sabi niya, may results na daw! Pina-check muna niya kay Papa kung andun nga yung name ko… tapus ayun… PASADO!!!! OMG!!! Pagkatapos nun nagsaya na kami!! Agad ko chineck yung top performing schools… Syempre. At eto ang nakita ko… :)

image

ANG SAYA!!! BEST BATCH EVER TALAGA #BAAtch2014!!!! 100%! 90 out of 90 pinong pino! Hahaha. Sobrang saya! Strong batch talaga tapos naibalik na ang 100%!!! Pagtingin ko din sa topnotchers, apat sa batchmates ko ang andun. Proud friend din syempre dahil andun si Sel! (ehem libre hahaha).

Pagbukas ko ng FB, sobrang festive ng mood. Gising na lahat. Nagpost na ng mga status. Pati si Ma’am Dani! Ang saya sa CBA nyan! Hahaha. Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Parang maiiyak na ewan… kahit hanggang ngayon. Hahaha. Halos buong araw akong tulala at paulit-ulit na tinitingnan yung listahan ng passers. Pag naiisip ko yung mga times na nagrereview ako at pag naalala ko pati yung mga rants ko noon dito, naiiyak ako. LOL. Hahaha.

At dahil dyan, dito na rin ang obligatory thank-you post ko!!

First of all, thank you sa parents ko. Thank you Papa kasi ikaw yung number one na naniwala sa kayang gawin ni God sa akin na kaya kong mag-top. Haha! Thank you sa lahat ng encouragement, spiritual advice at words of wisdom. Sorry hindi pa yata ngayon ang right time para ituloy ang legacy mo (hahaha). Malay mo sa next exam (OOPS HAHA)! May iba pang purpose si God and I know that whatever He has given me today is the best for me. Thank you Papa. You will always be my inspiration.

Thank you Mommy. Ikaw talaga to! Thank you sa paghahanda ng mga kailangan ko every week na babalik ako sa dorm. Thank you sa pagluto mo ng mga ulam ko for the week (dahil alam kong dito ka pinaka-nahihirapan). Thank you sa lahat ng pag-aasikaso ng mga kailangan ko sa dorm, sa pagtawag sa akin araw-araw, sa encouragement, sa pagpunta niyo sa dorm nung Monday after ng first set of exams.

Thank you Tutoy. Thank you sa support! Haha. Thank you sa mga pasingit-singit na bonding natin tuwing weekends. Nakakawala ng stress, sobra! Thank you din sa pagbubukas ng FB ko at pagdictate ng mga updates lalo na pag wala akong internet. Pressured ka na oy! Hahaha.

Thank you UP College of Business Administration (ayaw ko pa rin ng VSB. lol.). Thank you sa lahat ng naging profs ko nung college! Nung nagrereview na ako, doon ko lang naappreciate lahat ng tinuro ninyo sa amin. Dito ko naappreciate yung UP education at lahat ng hirap na pinagdaanan namin noon. Haha! Special mention Ma’am Dani na talagang pinush kami. Thank you po dahil sobrang ayos ng business combination sa utak ko. Hahaha. 

Thank you CPA Review School of the Philippines. Thank you sa lahat ng naging reviewers namin! Kayo po ang ilan sa mga pinakamagagaling na teachers na nakilala ko. Ang galing mag-explain at naituturo yung concepts ng mabuti! Haha. May mga topics sa undergrad na mas naintindihan ko nung nagreview ako. Thank you Atty D. Epic, naging masaya ang BLT dahil sa inyo!! :)

Thank you BAAtch 2014 sa support sa isa’t-isa. Ang laking tulong ng mga pinopost niyo sa groups kahit sobrang nakakapanic na! Haha. Congrats satin guys! Strong batch!! Thank you friends - Melay, Sam, Vanj, Sel, Pat!! CPAs na tayo WOOHOO! Thank you dahil kayo pa rin ang kasama ko sa buong review. Salamat sa mga random chismisan at kwentuhan na nakakatanggal stress. See you soon! :)

Thank you sa lahat ng mga relatives and friends at sa lahat ng prayers and encouragement. Thank you din po sa lahat ng nag-congratulate.  

Thank you to everyone who prayed and who believed.

And most of all, thank you to our Lord Jesus Christ. I wouldn’t have gotten this title without Him. Thank you for the guidance and the strength. Thank you for being in this fight with me. Thank you for all the people You gave to encourage me. Thank you po sa lahat ng provisions, sa lahat lahat na. Hindi ko po ito magagawa kung wala Kayo. You are so great. Thank You Lord, this title is for you. 

To God be the glory. :)

Maria Socorro R. Montemayor, CPA

  • 16th October
    2014
  • 16
laedrosario:

Ladies and gentlemen, the October 2014 CPA board exam. #agonyofwaiting #talonafeuwalapangresulta

So honored to be part of the October 2014 CPA Board Takers! :))

laedrosario:

Ladies and gentlemen, the October 2014 CPA board exam. #agonyofwaiting #talonafeuwalapangresulta

So honored to be part of the October 2014 CPA Board Takers! :))

  • 15th October
    2014
  • 15
  • 15th August
    2014
  • 15
  • 8th August
    2014
  • 08
  • 8th August
    2014
  • 08
  • 8th August
    2014
  • 08
July 2014 CPA Board Examination

creditcedric:

"The Professional Regulation Commission (PRC) announces that 1,107 out of 5,540 passed the Certified Public Accountant Licensure Examination given by the Board of Accountancy in the cities of Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo and Legazpi last July 2014.

For future reference (Future AKA 8 WEEKS OMG hahaha)

  • 13th July
    2014
  • 13
  • 13th July
    2014
  • 13
  • 21st June
    2014
  • 21
Proudly Pinoy! SCM Music Player - seamless music for your Website, Wordpress, Tumblr, Blogger.